Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manggagawa, nabibigyan na ng halaga ngayon

(GMT+08:00) 2016-12-12 19:41:16       CRI

SINABI ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers na nabibigyan na ng pansin ang mga manggagawa ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagwawakas ng mga kalakarang mapanggipit. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat Year-Ender Edition kaninang umaga.

Idinagdag pa ng pangulo ng mga manggagawa na may pagtutulungan na rin sila ng Employers Confederation of the Philippines upang higit na gumanda ang relasyon at kalagayan ng karaniwang magkatunggaling sektor sa lipunan.

Sa panig ni G. Sergio Ortiz-Luis, Jr., honorary chairman ng Employers Confederation of the Philippines, tahasan namang kontra ang kanilang samahan sa tig-lilimang buwang kontrata ng mga manggagawa na walang kaukulang seguridad sa kanilang trabaho.

Ipinaliwanag nga lamang ni G. Ortiz-Luis, Jr. na may mga pagkakataong hindi makatugon ang mga negosyante sa itinatadhana ng pamilihan tulad ng pagpapababa ng hotel rates sapagkat nakapako na ang sasahurin ng mga manggagawa.

Inihalimbawa niya ang karanasan sa Thailand noong kasagsagan ng krisis sa ekonomiya na napababa ng bansa ang hotel rates sa US$ 30 dolyar sa bawat araw subalit sa Pilipinas ay nananatili sa halagang US$ 100 dahil sa mga permanenteng manggagawa ng iba't ibang tourist-oriented establishments.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>