Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang Indones, nakalaya mula sa Abu Sayyaf

(GMT+08:00) 2016-12-12 19:48:03       CRI

PINALAYA ng Abu Sayyaf ang dalawang hostage na Indonesian kanina. Kinilala ang mga pinalayang sina Mohammad Nazir, 62 taong gulang at isang Robin Piter, 32 taong gulang.

Ang dalawa ay pinalaya sa pamamagitan ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front sa Indanan, Sulu at dinala sa tahanan ni dating Sulu Vice Governor Abdusakur Tan sa Jolo. Dinala ang dalawa sa Joint Task Force Sulu upang isailalim sa medical check-up at processing kaninang pasado ala-una ng hapon.

Ang dalawa ang nalalabing mga Indones mula sa pito kataong crewmen ng Tug Boat Charles 00 na dinukot noong ika-22 ng Hunyo sa Simisa Island sa Sulu.

Ayon kay Col. Jesus A. Mananquil, Jr. commander ng Joint Task Force Sulu, ang mga hostages ay pinalaya dahil sa walang humpay na operasyon ng Armed Forces of the Philippines at sa pamamagitan ng mga tumulong na mapalaya ang dalawa.

Dinala ang dalawa sa Zamboanga City at ibibigay na sa mga opisyal na Indones sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>