|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Martes, Disyembre 20, 2016, ng UN Security Council (UNSC) ang pahayag na kumondena gamit ang "pinakamatinding pananalita," sa terror attack na nangyari nitong Lunes sa Berlin, Alemanya.
Sa pahayag, ipinarating ng UNSC ang lubos na pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at pamahalaang Aleman. Ipinagdiinan din nitong dapat parusahan ang mga may-kagagawan sa nasabing teroristikong pananalakay.
Nitong Lunes ng gabi, Disyembre 19, sinagasa ng isang truck driver ang Berlin Christmas market na ikinamatay ng di-kukulangin sa 12 katao, at ikinasugat ng 49 iba pa. Pagkaraan nito, inako ng "Islamic State (IS)" ang responsibilidad sa atakeng ito. Bukod dito, hinihikayat din nito ang mga miyembro at tagasuporta na ilunsad ang mga pananalakay sa international coalition countries na kalahok sa pagbibigay-dagok sa IS.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |