Sa kanyang pagdalo sa pulong ng delegasyon ng lalawigang Sichuan Miyerkules, Marso 8, 2017, para suriin ang Government Work Report, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pahigpitin ng pamahalaan ng Sichuan ang supply side reform sa agrikultura at ibayo pang pawiin ang mga kahirapan.
Ang lalawigang Sichuan ay isang mahalagang lugar na nagpoprodyus ng mga pagkaing-butil at cash crops. Ipinahayag ni Xi na dapat pasulungin ang green at organic agriculture.
Bukod dito, sinabi ni Xi na ang mga pamayanan ng mga lahing Yi at Tibetano ay pangunahing lugar sa gawaing pagpawi ng mga kahirapan.