Manila, Miyerkules, Marso 15, 2017--Idinaos sa ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas ang seremonya ng paglagda ng 73 kontrata sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Ang nasabing mga kontrata ay nagkakahalaga ng 1.7 bilyong Dolyares na may kinalaman sa mga larangang gaya ng agrikultura, medisina, panghahabi, kemikal, mina, negosyo at transportasyon.
Ipinahayag ni Ramon M. Lopez, Kalihim ng DTI, na ang paglagda sa mga kontrata ay nakakabuti sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Dagdag pa niya, dapat igiit ng dalawang bansa ang mapagkaibigang kooperasyon.