Bago ang kanyang pagdalaw sa Finland, ipinalabas kahapon, Lunes, ika-3 ng Abril 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulo sa pahayagang Helsinki Times ng Finland.
Binigyan ni Xi ng positibong pagtasa ang matagal na pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Finland. Umaasa rin aniya siyang magkakasamang magsisikap ang dalawang bansa, para magbukas ng bagong kabanata ng kanilang relasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Alexis Kouros, Editor-in-Chief ng Helsinki Times, na ang paghangad sa pagkakaibigan ng Tsina at Finland, at pagpapahayag ng pag-asa sa pagpapatuloy ng pagkakaibigang ito ay mahalagang nilalaman ng naturang artikulo. Bilang tugon sa pagdalaw ni Pangulong Xi sa Finland, ipinahayag din niya ang pag-asang ibayo pang pasusulungin nito ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai