Sa palibot ng bangin sa nayong Tuanjie, lunsod Zunyi sa dakong timog kanluran ng Tsina, ay isang kanal na artipisyal na ginawa. Tinatawag itong "Dafa Canal" ng mga residente at may habang ilampung kilometro. Pinamunuan ng beteranong miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na si Huang Dafa, ang mga taganayon sa paggawa ng nasabing kanal.
Ang kanal ay hindi lamang lumutas sa problema ng kakulangan sa tubig ng lokalidad, kundi nakapagbigay din ng bagong pag-asa para sa pag-unlad ng buong nayon.
Salin: Li Feng