Sa isang report na isinapubliko unang araw ng Mayo, 2017, sa Bangkok, kabisera ng Thailand ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP), sinabi nitong nananatiling matatag ang kabuhayan ng Tsina. Anito, ang isinasagawang supply side structure reform ng Tsina ay makakatulong sa medium-long term development ng pambasang kabuhayan.
Ayon sa pagtaya ng nasabing report, aabot sa 5% at 5.1% ang economic growth rate ng mga umuunlad na bansa sa Asya-Pasipiko sa taong 2017 at 2018. Anito, ang bilang ay umabot sa 4.9%, noong 2016.