|
||||||||
|
||
Isiniwalat nitong Huwebes, Mayo 4, 2017, ni Kalihim Pandepensa Delfin Lorenzana na sa loob ng kasalukuyang buwan, lalagdaan ng Pilipinas at Rusya ang kasunduan ng kooperasyong militar.
Ayon kay Lorenzana, ang naturang kasunduan ay lalagdaan sa gagawing biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rusya sa buwang ito.
Sinabi rin niya na makaraang opisyal na lagdaan ng dalawang bansa ang kasunduang ito, mataimtim niyang ikokonsidera ang mga military equipment na puwedeng ipagkaloob ng Rusya sa hukbong Pilipino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |