Kinumpirma kaninang umaga, Miyerkules, ika-10 ng Mayo 2017, ng National Election Commission ng Timog Korea, ang pagkakahalal kay Moon Jae-in, bilang bagong pangulo ng bansa. Pagkatapos nito, sinimulan na ni Moon ang kanyang termino sa naturang puwesto.
Ayon sa pinal na resulta ng bilangan ng halalang pampanguluhan, nakakuha si Moon ng 41.08% ng mga boto, at ito ay mas malaki nang 17.05% kumpara sa kandidato sa ikalawang puwesto, na si Hong Joon-pyo.
Pagkaraang ma-impeach si dating Pangulong Park Geun-hye, nabakante ang posisyon ng pangulo ng T.Korea. Kaya, walang yugto ng transisyon si Moon, at agaran siyang nanungkulan sa puwesto.
Salin: Liu Kai