Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Mayo 13, 2017, kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang Tsina at Indonesia ay kapwa malaking umuunlad na bansa, at may malawakang komong kapakanan. Aniya, batay sa prinsipyo ng magkasamang pagtalakay, pagtatayo, at pagtatamasa, magsisikap ang Tsina kasama ng Indonesia, upang magkasamang mapasulong ang komong kaunlaran at kasaganaan, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng