Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at mga bansang ASEAN, pinagtibay ang Draft Framework of COC

(GMT+08:00) 2017-05-18 18:54:58       CRI

Guiyang, Guizhou Province — Idinaos Huwebes, Mayo 18, 2017, ang Ika-14 na Senior Officials' Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pinagtibay sa pulong ang Draft Framework of South China Sea Code of Conduct (COC).

Sina Liu Zhenmin (sa kanan), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong (sa kaliwa), Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa preskon

Ito ang inilabas sa isang preskong idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina makaraang ipinid ang naturang pulong.

Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina

Nagkaroon ng matapat at malalimang talakayan tungkol sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC ang iba't-ibang panig. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong pandagat, pagsasanggunian sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at iba pang tema, at natamo ang positibong bunga. Inulit ng mga kalahok ang kahalagahan ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC. Ipinagdiinan nilang igigiit ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa South China Sea sa mapayapang paraan upang magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito. Lubos ding pinapurihan ng iba't-ibang panig ang mahalagang katuturan ng pagkakaroon ng COC framework, kung saan nakasaad ang mahalagang bungang natamo sa pagsasanggunian sa COC.

Si Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore

Ipinahayag din nila na ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakalagda ng DOC. Nitong 15 taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ng DOC Mechanism, magkakasamang napangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaang ekonomiko sa South China Sea. Sa hinaharap, dapat anilang ipagpatuloy ang komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito upang maitayo ang South China Sea bilang isang karagatang pangkapayapaan, pangkaibigan, at pangkooperasyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>