
Si Wang Qinmin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC)
Mula Hunyo 1 hanggang 3, 2017, pinamunuan ni Wang Qinmin, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ang delegasyong Tsino sa paglahok sa Ika-21 St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF). Nakipagpalitan siya ng kuru-kuro sa mga opisyal Ruso hinggil sa pagpapalakas ng pagpapalitang Sino-Ruso sa sirkulong industriyal at komersyal, at pagpapasulong ng kooperasyon ng mga katam-tama't maliit na bahay-kalakal ng dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati sa porum, isinalaysay ni Wang ang mga natamong bunga, matagumpay na karanasan at ginawa ng Tsina nitong ilang taong nakalipas sa pagpapaunlad ng mga katam-tama't maliit na bahay-kalakal. Aniya, aktibong nagsisikap ang pamahalaang Tsino upang makalikha ng mainam na kapaligiran para sa pag-unlad ng nasabing mga bahay-kalakal. Winiwelkam ng panig Tsino ang aktibong pakikilahok ng mga katam-tama't maliit na bahay-kalakal ng iba't-ibang bansa sa konstruksyon ng "Belt and Road," para magkakasamang mapasulong ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng