Beijing, Tsina—Idinaos dito Huwebes, Hunyo 8, 2017, ang BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa) Media Forum. Tinalakay ng mga namamahalang tauhan ng 27 media ng nasabing limang bansa ang hinggil sa "pagpapalalim ng kooperasyon sa media, pagpapasulong ng makatwira't makatarungang pandaigdigang opinyong publiko," at magkasamang paglikha ng ika-2 ginintuang dekada ng kooperasyon ng BRICS.

Inilabas din sa porum ang plano ng aksyon hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga media ng BRICS.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng porum, ipinahayag ni Liu Qibao, Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na ang pagpapalitan at pagpapalagayan ng mga media ay mahalagang pundasyon ng pagkakaibigan, pagtutulungan at pagtitiwalaan ng mga bansa. Kailangan aniyang magkakapit-bisig na magsikap ang mga media, para likhain ang mas magandang kinabukasan ng BRICS.

Si Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International
Ipinalalagay naman ni Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI), na dapat makabatay ang mga media ng BRICS sa katangi-tanging kultura ng sariling bansa, at igiit ang simulain ng pagbubukas, pagbibigayan, at paghiram ng karanasan ng isa't isa, para mapataas ang puwersa ng pagpapalaganap ng kultura ng BRICS.
Salin: Vera