Idineklara Hunyo 19, 2017, ng US Embassy sa Pilipinas na sa karatig na karagatan sa probinsyang Cebu, isinagawa ng mga hukbong pandagat ng Amerika at Pilipinas ang isang linggong joint maritime exercise.
Ipinahayag ng Embahadang Amerikano na tampok ng nasabing pagsasanay ang komong pagkabahala ng dalawang bansa sa seguridad sa dagat. Layon ng pagsasanay na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pagbibigay-dagok sa mga pirata at maritime smuggling, dagdag pa ng Embahadang Amerikano.
Salin: Li Feng