Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uunawaan ng Tsina at Singapore sa mga nukleong interes, hinimok ni Pangulong Xi

(GMT+08:00) 2017-07-07 11:10:18       CRI

Hamburg, Alemanya—Sa kanyang pakikipagtagpo kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang pasulungin ng dalawang bansa ang kanilang relasyon batay sa estratehikong pananaw. Nanawagan din siyang panatilihin ng dalawang bansa ang pag-uunawaan at suporta sa isa't isa hinggil sa mga nukleong interes at mga isyung mahalaga sa bawat panig.

Kapuwa sila kalahok sa Ika-12 Group of 20 (G20) Summit na nakatakdang buksan ngayong araw.

Hiniling din ni Pangulong Xi na paginhawahin ang mga pangunahing proyekto sa pagitan ng dalawang pamahalaan, at palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng bagong teknolohiya na gaya ng Internet at information communication.

Ipinahayag naman ni Lee ang kahalahagan sa pakikipagtulungan ng Singapore sa Tsina sa ilalim ng kasalukuyang komplikadong kalagayang pandaigdig. Ipinahayag din ni Lee ang patuloy na suporta at pakikilahok ng kanyang bansa sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative. Nakahanda rin aniya ang Singapore na palawakin ang mga proyektong pampamahalan, at pagtutulungan sa pinansya, high-speed railways at malayang kalakalan.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>