Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mula sa milagro ng pagtatanim ng puno hanggang sa luntian pag-unlad: pagtitiyaga ng mga taga-Saihanba nitong kalahating siglo

(GMT+08:00) 2017-08-04 17:09:16       CRI

Wala pang 200 kilometro ang layo mula sa hilaga ng Beijing, kabisera ng Tsina, matatagpuan sa lalawigang Hebei ang artificial forest na may saklaw na 74,700 hektarya. Ito ay tinatawag na Saihanba Woodland. Isa ito sa mga pinakamalawak na man-made forest sa daigdig.

Ang Saihanba ay pinagsamang salita ng wikang Mongol at wikang Mandarin. Nangangahulugan itong magandang bulubundukin.

Nitong mahigit 50 taong nakalipas, dahil sa pagpupursige ng mga taga-Saihanba, masukal na ang dating mabuhanging lupain. Sa kasalukuyan, ang pinakamagandang panahon sa Saihanba ay taga-init.

Ang kasalukuyang Saihanba kung saan makikita ang luntiang puno, makukulay na bulaklak, malinaw na tubig at mala-bulak na ulap.

 

Saihanba bago tinamnan ng mga puno

Noong 1962, ipinasiya ng Pamahalaang Tsino na buuin ang grupo para itanim ang mga puno sa Saihanba. Ang grupo ay binuo ng 369 katao at wala pang 24 ang karaniwang edad nila. Sinabi ni Cheng Shun, Puno ng Forestry Institute ng Saihanba na noong unang dalawang taon, hindi umabot sa 8% ang survival rate ng kagubatan, dahil sa masamang panahon. Nasa halos 1500 metro sa taas ng sea level ang Saihanba. Pitong (7) buwan nabaon ito sa niyebe at umabot sa -43 degree Celsius ang pinakamababang temperatura sa taglamig.

Pero, sa diwa ng pagiging pragmatiko at inobatibo, napagtagumpayan ng mga manggugubat ang masungit na panahon at sarilinang nagtanim ng punla at isinagawa ang panggugubat.

Sa kasalukuyan, ang kagubatang Saihanba ay taunang nakakalinis ng 137 milyong cubic meter na tubig at nagbubuga ng oxygen na magbibigay ng malinis na hangin sa halos 2 milyong tao sa isang taon.

Ang Saihanba ay itinuturing na natural oxygen bar.

Ayon sa datos na meteorolohikal, salamat sa Saihanba, kumpara noong dekada 50, ang bilang ng mga sandstorm na nararanasan ng Beijing ay nabawasan ng 70%.

Simula 2012, nabawasan din ang pagtotroso sa Saihanba at pinapasulong ang berdeng pag-unlad.

Nagbabago rin ang pamumuhay ng mga trabahador sa Saihanba.

Tirahan ng mga manggugubat sa Saihanba noong 1960s

Tirahan ng mga manggugubat ngayon sa Saihanba

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>