Islamabad, Pakistan-Bilang sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dumalo Agosto 14, 2017 si Pangalawang Premyer Wang Yang sa seremonyang ipagdiwang ang ika-70 anibersaryo ng kasarinlan ng Pakistan, at bumigkas siya ng talumpati sa pagtitipon.
Nang araw ring iyon, kinatagpo si Wang Yang ni Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan.
Ipinahayag ni Hussain na ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan ay batayan ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Aniya, patuloy na bibigyan ng Pakistan ang Tsina ng suporta sa mga isyung may-kinalaman sa nukleong interes ng Tsina, makikisangkot ito sa konstruksyon ng "Belt and Road Initiative," at hihigpit ang pakikipagtulungan sa Tsina sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag naman ni Wang, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagsasakatuparan ng kasarinlan ng Pakistan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Pakistan para patibayin at palawakin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Nauna rito, kinatagpo rin si Wang ni Punong Ministro Shahid Khaqan Abbasi ng Pakistan, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa ibayong pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.