|
||||||||
|
||
Pinasinayaan Lunes, Agosto 21, 2017, ang taunang grand Buddha unfolding ceremony sa Drepung Monastery sa Lhasa. Ito ay palatandaang nagsimula na ang Sho Dun Festival doon.
Ang Sho Dun Festival sa kasalukuyang taon ay tatagal mula ika-21 hanggang ika-27 ng Agosto. Sa panahong iyon, idaraos ang serye ng aktibidad na gaya ng pagtatanghal ng Buddha, Tibetan drama performance, at tradisyonal na horse show.
Magugunitang ang Sho Dun Festival ay isa sa mga pinakamalaki, pinakamaringal, at pinakamalawak na kapistahan sa Tibet.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |