Kaugnay ng negatibong posisyong ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-13 ng Oktubre 2017, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, hinggil sa isyung nuklear ng Iran, ipinahayag ng Rusya, Pransya, Alemanya, at Britanya ang paglulungkot at pagkabahala. Ipinahayag din ng mga bansang ito ang buong tatag na pagkatig sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, at nanawagan sa iba't ibang panig, na tupdin ang mga obligasyon batay sa kasunduan.
Sinabi kahapon ni Trump, na hindi tumalima ang Iran sa diwa ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng bansang ito, at lumabag sa kasunduan sa maraming aspekto. Kaya aniya, hindi siyang magpapatotoo hinggil sa pagpapatupad ng Iran ng naturang kasunduan, sa harap ng Kongresong Amerikano.
Pero nang araw ring iyon, sinabi ni Yukiya Amano, Direktor Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), na hanggang sa kasalukuyan, natupad na ng Iran ang mga pangako nito sa nabanggit na kasunduan, at natanggap nito ang mga mahigpit na pagsusuri ng IAEA. Positibo rin siya sa pakikipagkooperasyon ng Iran sa IAEA.