|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Oktubre 21, 2017, ni Seyed Masoud Jazayeri, Tagapagsalita ng Iranian Armed Forces, na bagama't walang tigil na ipinapataw ng mga bansang Kanluranin ang presyur laban sa Iran, ang kakayahang pandepensa ng bansa ay di-mapapahintulutang talakayin. Aniya, ang kakayahang pandepensa ng Iran ay "red line."
Ipinahayag ng nasabing tagapagsalita na walang nakikitang limitasyon ang anumang kasunduang pandaigdig sa pagpapaunlad ng missile ng isang bansa. May diperensiya sa pagitan ng isyung nuklear at isyu ng missile at tanggulang bansa, at hinding hindi pahihintulutan ng Iran ang pagkakaroon ng talastasan tungkol sa sariling tanggulang bansa at kakayahang militar, aniya.
Kaugnay ng isyu ng sugong militar ng Iran sa Iraq at Syria, sinabi niya na ang pagpunta ng mga sugong militar ng Iran sa nasabing mga bansa ay nasa opisyal na imbitasyon ng kanilang pamahalaan. Ito aniya ay ganap na legal.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |