Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liu Yandong, dumalaw sa ASEAN Secretariat

(GMT+08:00) 2017-11-28 11:10:31       CRI
Noong ika-27 ng Nobyembre, 2017, sa pagdalaw ni Liu Yandong, Pangalawang Premiyer ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Secretariat sa Jakarta, Indonesya, kinatagpo siya ni Le Luong-Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN Secretariat, at mga pirmihang kinatawan ng iba't ibang bansa sa ASEAN Secretariat.

Ipinahayag ni Liu na sa mga partnership ng ASEAN at ibang panig, masasabing ang relasyon ng Tsina at ASEAN ay pinakamasigla at may pinakamayamang nilalaman. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking partner ng kalakalan ng ASEAN sa loob ng magkakasunod na 8 taon, at ang ASEAN ay nagiging ika-3 pinakamalaking partner sa kalakalan nitong nakalipas na 6 taon.

Aniya pa, laging binibigyan ang ASEAN ng priyoridad ng pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina sa rehiyong nakapaligid dito, at masusing rehiyon ng magkakasamang pagsasagawa ng "Belt and Road" Initiative. Malakas na kumakatig ang Tsina sa pagtatag ng komunidad ng ASEAN, at nukleong katayuan ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon.

Sinabi ni Le na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalawak at lumalalim ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Ito aniya ang nagpapasulong ng pag-unlad ng isa't isa, at nagbibigay ng mahalagang papel sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Pinasalamatan ng ASEAN ang Tsina na laging kumakatig sa pagtatatag ng Komunidad ng ASEAN. Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>