Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Arsobispo Tria-Tirona, nanawagang sugpuin ang kahirapan at itaguyod ang buhay

(GMT+08:00) 2018-01-01 17:41:57       CRI

KAILANGANG magtulungan ang mga mamamayan at ng pamahalaan ang pagsugpo sa kahirapan at pagtataguyod ng Karapatang Pangtao at buhay.

Ito ang buod ng mensahe ni Caceres Archbishop Rolando Tria-Tirona, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace pagsapit ng Bagong Taon.

Kailangan umanong manalangin at magkaisa sa layuning magkatotoo ang kaunlaran sa bansa. Kailangan ding masugpo ang kahirapan at ang mga katiwalian sa lipunan. Marapat ding pahalagahan ang buhay at ang karapatan ng bawat mamamayan.

Maraming pagsubok na dumaan sa taong 2017 na naging dahilan upang mahati ang mga mamamayan at bansa subalit mas maraming nararapat ipagpasalamat tulad ng kaligtasan ng nakararami sa magkakasunod na sama ng panahon at iba pang trahedya.

May pag-asa pa, dagdag pa ni Arsobispo Tirona. Maraming magagandang nagaganap sa kapaligiran at natatampok ang mga mabubuting nagagawa ng mga mamamayan sa mainstream at social media, dagdag pa ng arsobispo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>