Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Calamba ng Pilipinas at Jinjiang ng Tsina, mas hihigpit ang kapatiran

(GMT+08:00) 2018-02-03 16:52:15       CRI

Paglagda ng Calamba at Jinjiang sa Letter of Intent

Nilagdaan Pebrero 2, 2018 ng mga opisyal ng Calamba, Laguna at Jinjiang City ng Tsina, ang Letter of Intent for the Establishment of Friendly Relations, sa City Hall ng Calamba.

Ang Calamba ay lugar ng kapanganakan ni Gat Jose Rizal, Pambansang Bayani ng Pilipinas. Samantalang ang Jinjiang naman ang lupang tinubuan ng ninuno ng bayani.

Group picture ng delegasyon ng Jinjiang kasama si Consul General Flores

Nang araw ring iyon, bumisita sa Calamba ang delegasyon ng pamahalaan ng Jinjiang, kung saan nakatayo ang pinakamataas na monumento ni Jose Rizal sa labas ng Pilipinas.

Ang biyaheng ito ay bahagi ng pagpapalitan ng sister cities at katumbas ng naging pagdalaw ng delegasyon ng Calamba sa Jinjiang noong Nobyembre, 2016.

Justin Marc Chipeco, Mayor ng Calamba

Ipinahayag ni Justin Marc Chipeco, Mayor ng Calamba, na umaasa siyang sa pamamagitan ng pagdalaw ng delegasyon ng Jinjiang, mapapahigpit ang "brotherly love" at "friendship" ng dalawang lunsod at mapapalawak ang mas maraming kooperasyon.

Hinangaan din niya ang pagiingat at pagpapahalaga ng Jinjiang sa kasaysayan ukol kay Dr. Jose Rizal na itinuring ng Jinjiang bilang sariling anak.

Li Zili, Vice Mayor ng Jinjiang

Ipinahayag naman ni Li Zili, Vice Mayor ng Jinjiang at puno ng delegasyong ito, na sa ilalim ng pagsuporta ni Consul General Julius Caesar Flores ng Konsulado ng Pilipinas sa Xiamen, nagiging mas malalim ang ugnayan sa pagitan ng Jinjiang at Calamba at mas madalas ang kanilang pagpapalitan sa kabuhayan at kultura.

Sinabi rin niyang hitik sa yamang pangkultura at panturismo ang Calamba, kaya mainam ang pagkokomplemento ng isa't isa sa kabuhayan ng dalawang lugar. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagdalaw niya sa Calamba, mapapalalim ang kanilang mga kooperasyon.

 Consul General Julius Caesar Flores ng Konsulado ng Pilipinas sa Xiamen

Ayon naman kay ConGen Flores, ang kanyang mariing gawain ay pagpapatatag ng tulay sa pagitan ng Tsina at Pilipinas at kanilang mga mamamayan. Sinabi pa niyang dahil sa magkasamang kasaysayan ukol kay Jose Rizal, ang relasyon sa pagitan ng Jinjiang at Calamba ay "most logical, most meaningful at most cheerful" sa mga relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa, lalo na sa Tsina.

Nag-alay ang delegasyon ng Jinjiang ng bulaklak sa Rizal Monument

Bago ang paglagda sa Letter of Intent, nag-alay ang delegasyon ng Jinjiang ng bulaklak sa Rizal Monument sa tabi ng Calamba City Hall.

Bukod dito, bumisita ang delegasyon ng Jinjiang sa dating tirahan ni Jose Rizal noong bata pa siya at sa Simbahan ng San Juan kung saan bininyagan si Jose Rizal.

Ulat/Larawan : Ernest Wang
Pulido : Mac Ramos / Frank Liu
Web Editor: Frank Liu

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>