![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Beijing, Tsina—Inilabas Linggo, Pebrero 4, 2018 ng Tsina ang dokumento, kung saan mababasa ang mga patakaran bilang roadmap para mapasigla ang kaunlarang rural ng bansa.
Ang nasabing taunang dokumento na tinaguriang "No. 1 Central Document" ang unang pahayag na pampatakaran na isinapubliko ng pamahalaang sentral ng Tsina sa pasimula ng bagong taon. Itinuturing itong palatandaan ng priyoridad ng mga patakarang may kinalaman sa magsasaka, agrikultura, at kanayunan. Ito ang ika-15 ganitong taunang dokumento.
Kabilang sa mga patakarang nasasaad sa dokumento ay pagpapauna ng kalidad ng kaunlarang rural; mas mabuting edukasyon at serbisyong medikal; green development; pagpapasulong ng imprastruktura at pasilidad ng pamumuhay na gaya ng banyo; pagpapalawak ng suportang pinansyal; pagsuporta ng pagluluwas ng de-kalidad na produktong pang-agrikultura; pagpapalakas ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang dayuhan; at iba pa.
Samantala, ang timetable hinggil sa pagpapalago ng kanayunan ay ang mga sumusunod:
Sa taong 2020, maitatatag ang institusyonal na balangkas o institutional framework at sistemang pampatakaran. Sa panahong iyon, walang mamamayang Tsino ang mamumuhay sa kasalukuyang poverty line, at substansyal na isusulong ang kakayahang produktibong rural at suplay na pang-agrikultura.
Sa taong 2035, kailangang magkaroon ng di-mapag-aalinlangang progreso sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng kabuuang modernisasyon ng agrikultura at kanayunan. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga mamamayang Tsino, sa mga siyudad man o sa kanayunan, ay mabibigyan ng pantay na pampublikong serbisyo, at isusulong din ang integrasyong urban at rural.
Sa taong 2050, sa kanayunan ng Tsina, komprehesibong maisasakatuparan ang malagong agrikultura, magkakaroon ng magagandang nayon at uusbong ang mayayamang magsasaka.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |