Inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang dokumento hinggil sa pagpapataas ng kita ng mga magsasaka. Inilakip sa dokumento ang target na sa taong 2020, ang kita per kapita kada magsasaka ay magdodoble kumpara sa taong 2010.
Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong 2010, halos 6 na libong yuan ang kita per kapita kada magsasaka. Kung magdodoble, ibig sabihin, ang bilang na ito sa 2020 ay dapat umabot sa halos 12 libong yuan, na katumbas ng halos 1720 dolyares batay sa kasalukuyang exchange rate.
Para maisakatuparan ang naturang target, inilakip din sa dokumento ang mga katugong hakbangin, lalung-lalo na, hinggil sa pagpapalakas ng serbisyong pinansyal sa kanayunan. Ayon sa mga hakbanging ito, hihikayatin ng pamahalaan ang pamumuhunan ng pribadong sektor sa kanayunan, para dagdagan ang laang-gugulin sa konstruksyon ng mga imprastrukturang pang-agrikultura, at ilipat sa kanayunan ang mga maunlad na teknolohiyang pang-agrikultura.
Salin: Liu Kai