Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Rene Robles' The Art in Assertionism exhibition, itinatanghal sa Xiamen

(GMT+08:00) 2018-02-10 17:15:47       CRI

"The Art in Assertionism" sa Xiamen Art Gallery

Binuksan Pebrero 9, 2018 sa Xiamen Art Gallery ang "The Art in Assertionism" kauna-unahang exhibition ng kilalang visual artist na si Ireneo "Rene" Robles sa mainland Tsina.

Ribbon cutting ceremony para sa pagbubukas ng eksibisyon na dinaluhan nina Consul General Julius Caesar Flores (gitna) Mdm. Chen Juan, Direktor ng Xiamen Art Gallery (ikalawa sa kaliwa) Rene Robles (ikatlo sa kaliwa) at mga opisyal ng Xiamen

Sa ekslusibong panayam ng CRI Filipino Service, ipinahayag niya ang kagalakang madalaw ang Xiamen. Di lingid sa kanyang kaalaman ang sariling istilo sa pagpipinta ng mga Tsino. Sa kanyang one-man exhibit nais niyang ipakilala naman sa Tsina ang makabagong art movement na "Assertionism" na kilalang-kilala, iginagalang at pinarangalan na sa mga kanluraning bansa. 1986 naging founder at pioneer si Rene Robles ng istilong Assertionism habang naninirahan sa New Jersey, USA. Ang prinsipyo nito ay : Art which has power asserts transforms and transcends.

"Gusto ko lang magising ang ibang mga artists mula sa ibang bansa na ang ordinary things ay dapat mahalin at balikan at marunong tayong bumalik kung saan man tayo nanggaling. Yun kasi ang style ko actually" Dagdag niya.

Aniya pa, "Magandang pagkakataon ito para sa pagpapalitan at mai-relate o maiugnay ang identidad ng Pilipino sa identidad naman ng mga Tsino. Walang kompetisyon dahil bilang pintor ako'y may natatanging istilo."

"Love," obra ni Robles na inihandog sa Xiamen Art Gallery

Inihandog ni Robles ang kanyang obra na tinawag niyang "Love" sa Xiamen Art Gallery para maging parte ng koleksyon nito. Paliwanag ng pintor ang pulang bulaklak ay sumisimbolo sa Tsina at ang assertionism ng silya at lamesa ay simbolo na pwedeng makipagkaibigan (ang Pilipinas sa Tsina) ng mahabang panahon.

Si Rene Robles (gitna) kasama sina Vera at Mac ng CRI (kababaihan sa larawan) at sina Dixx Gatpo (kaliwa) at Bong Antivola (kanan) ng FOTO Grupo

Ang "Art in Assertionism" Exhibit ay itinataguyod ng Kunsulado ng Pilipinas sa Xiamen, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts, Filipino Chinese General Chamber of Commerce - Youth Commitee at ng Xiamen Art Gallery.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Consul General Julius Caesar Flores na inaasahan niyang ito ang magiging simula ng mga eksibisyong magtatampok ng mas maraming mga alagad ng sining mula sa Pilipinas dahil napakaraming mga magagaling na pintor sa bansa.

Mga pinta ni Rene Robles na nagpapakita ng istilong Assertionism

Bilang tugon, sinabi naman ni Chen Juan, Director ng Xiamen Art Gallery, na ngayong taon, itinanghal ng Xiamen Art Gallery ang mga exhibitions ng maraming dayuhang artists mula sa ibayong dagat gaya ng Alemanya, Australia at Switzerland. Naniniwala siyang ang exhibition ng Filipino visual artist ay makapagdadala ng bagong sigla sa Xiamen art scene. Sa panahon ng Chinese New Year, inaasahan ni Director Chen na maraming mga taga-Xiamen ang magkakaroon ng pagkakataong makita ang sining mula sa Pilipinas at makita ang mga paintings ng isang world-renowed artist na gaya ni Rene Robles.

Mga bisita sa eksibisyon

Ang " The Art in Assertionism" ay makikita sa Exhibition Hall C ng Xiamen Art Gallery mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 21, 2018. Bukod dito makikita rin ang ilan sa mga art pieces ni Rene Robles sa Marc's Cafe, 3rd floor Gallery, Coffee Road, Xiamen City simula Pebrero 10 hanggang Pebrero 21, 2018.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>