Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Thai Princess Maha Chakri Sirindhorn, dumalo sa aktibidad ng "Happy Spring Festival"

(GMT+08:00) 2018-02-17 17:32:24       CRI

Bangkok — Pinasinayaan nitong Biyernes, Pebrero 16, 2018, ang aktibidad na kultural na pinamagatang "Happy Spring Festival" ng Thailand sa taong 2018. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Thai Princess Maha Chakri Sirindhorn, Pangalawang Ministro Yang Zhijin ng Ministri ng Kultura ng Tsina, Embahador Lv Jian ng Tsina sa Thailand, at iba pang personahe.

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Lv Jian na ang naturang aktibidad ay may mahalagang impluwensiya sa Tsina at Thailand. Ito aniya ay isang mahalagang plataporma para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ayon sa ulat, tatagal hanggang Marso 6, 2018, ang aktibidad ng "Happy Spring Festival." Sa panahon ng aktibidad, ipapadala ng Ministri ng Kultura ng Tsina ang mahigit 370 alagad ng sining ng Tsina sa anim (6) na probinsya at lunsod ng Thailand upang masayang ipagdiwangkasama ng mga mamamayang Thai ang Spring Festival.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>