Dumaong kaninang umaga, local time, Martes, ika-20 ng Pebrero 2018, sa Lyttelton Harbour, New Zealand, ang research vessel "Xue Long" o "Snow Dragon" ng Tsina, na nagsasagawa ng ika-34 na Antarctic research expedition ng bansa.
Ang pagdaong na ito ay para sa material replenishment at staff rotation. Kasabay nito, isasagawa ng expedition team ang mga aktibidad ng pakikipagpalitan sa panig ng New Zealand, na kinabibilangan ng isang open day ng Snow Dragon vessel sa publiko ng bansang ito.
Sinimulan noong ika-8 ng Nobyembre 2017, ang ika-34 na Antarctic research expedition ng Tsina, at nakatakda itong matapos sa darating na Abril ng taong ito.
Salin: Liu Kai