|
||||||||
|
||
Miyerkules, Pebrero 21, 2018, binuksan sa Bali Art Center, Indonesia, ang "China in New Era" photo exhibition. Ang nasabing pagtatanghal ay itinaguyod ng Consulate General ng Tsina sa Denpasar, punong lunsod ng Lalawigang Bali ng Indonesia.
Si Chen Wei, Acting Consul General ng Tsina sa Denpasar
Si Agung, Kinatawan ng Direktor ng Kawanihan ng Kultura ng Lalawigang Bali
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Acting Consul General Chen Wei na kasabay ng komprehensibong pagkokoordina ng 21st Century Maritime Silk Road Initiative ng Tsina at Global Maritime Axis Strategy ng Indonesia, pumasok na sa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, layon ng nasabing photo exhibition na ibayo pang palalimin ang pagkaalam at pagkaunawa ng mga mamamayan ng Indonesia, lalung lalo na, ng Bali Island, sa natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina nitong nakalipas na ilang taon.
Ipinahayag naman ni Agung, Kinatawan ng Direktor ng Kawanihan ng Kultura ng Lalawigang Bali, na welkam at pinupuri ng kanyang pamahalaan ang pagtataguyod ng panig Tsino ng ganitong uri ng aktibidad upang mapasulong ang mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya ang pamahalaan ng Lalawigang Bali na sa hinaharap, patuloy na mapapalalim ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Consulate General ng Tsina sa iba't ibang larangan, at ibayo pang mapapasulong ang mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pag-unlad ng relasyong Sino-Indonesian.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |