Alas-9 bukas ng umaga, Marso 20, 2018, idaraos sa Great Hall of the People ang seremonya ng pagpipinid ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Pagkaraan nito, makikipagkita si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga Tsino at dayuhang mamamahayag.
Sa panahong iyon, isasagawa ng Radyo Internasyonal ng Tsina ang live coverage sa seremonyang ito sa wikang Ingles at Mandarin. Bukod dito, isasagawa rin ang live coverage sa mga platapormang gaya ng ChinaNews, ChinaTV, at China International Broadcasting Network (CIBN).
Salin: Li Feng