Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-26 ng Marso 2018, sa Beijing ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asia-Pacific Network for Sustainable Forest Management and Rehabilitation (APFNet).
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Peng Youdong, Pangalawang Puno ng Pambansang Administrasyon ng Kagubatan at Damuhan ng Tsina, na patuloy na kakatigan ng kanyang bansa ang APFNet, at pasusulungin, kasama ng iba't ibang ekonomiya sa Asya-Pasipiko, ang kooperasyong panggugubat, para panumbalikin ang kagubatan sa rehiyong ito.
Sa aktibidad na ito, sinimulan din ang mekanismo ng transnasyonal na pangangalaga sa mga mailap na hayop sa Lancang-Mekong River, at mekanismo ng kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya sa panggugubat ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Liu Kai