Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hindi yuyukod sa anumang presyur mula sa labas

(GMT+08:00) 2018-04-04 20:23:05       CRI

Ngayong madaling araw, Abril 4 (Beijing time), 2018, isinapubliko ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang isang listahan sa website nito kung saan nakasaad na posibleng patawan ng 25% taripa ang halos 1,300 inaangkat na produkto mula sa Tsina. Ito'y may posibleng halaga na 50 bilyong dolyares.

Ayon sa Amerikanong kinatawang pangkalakalan, ang nasabing listahan ay nagawa sa pamamagitan ng computer system. Ito aniya ay magpapasidhi sa kalungkutan ng mga Chinese exporters, subalit mabuting mangangalaga sa kapakanan ng mga American manufacturers. Ngunit, kung talagang mataimtim na isasaalang-alang ang nilalaman ng listahang ito, ang mga ginawa ng Amerika ay isang walang bisang kagawiang makakapinsala, hindi lamang sa iba, kundi sa sarili.

Ayon sa proklamasyong inilabas nang araw ring iyon ng Ministri ng Pinansya at Ministri ng Komersyo ng Tsina, bilang tugon sa pangkagipitang kalagayan sa Tsina na dulot ng paglabag ng Amerika sa obligasyong pandaigdig, ayon sa "Batas ng Kalakalang Panlabas ng Tsina" at iba pang batas at regulasyon at pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang batas, papatawan ng pamahalaang Tsino ng karagdagang 25% na taripa ang mga inaangkat na produkto mula sa Amerika. Ito ay posibleng maghalaga ng 50 bilyong dolyares noong isang taon.

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nang araw ring iyon ng mga kaukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Pinansya at Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang mga isinagawang hakbangin ng panig Tsino ay pilit, at mapagtimpi ang kagawiang ito. Ngunit, hindi anilang yuyukod ang Tsina sa anumang presyur mula sa labas.

Si Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina

Ipinahayag ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang pagpataw ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino ay lumalabag sa obligasyong pandaigdig nito, at walang anumang batayan. Aniya, ang nasabing hakbangin ng Amerika ay nakakapinsala sa kapakanan ng Tsina, nagbabanta sa seguridad na ekonomiko ng Tsina, at nagsasapanganib sa pag-ahon at katatagan ng kabuhayang pandaigdig. Napilitang isinagawa ng Tsina ang pagpataw ng karagdagang taripa sa mga inaangkat na produktong Amerikano na nagkakahalaga ng halos 50 bilyong dolyares.

Si Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Tsina

Ipinahayag rin ni Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Tsina, na ang proporsiyon ng pagluluwas ng Amerika ng soybean sa Tsina ay katumbas ng 62% ng kabuuang pagluluwas nito. Aniya, tinukoy ng mga nagtatanim ng soybean ng Tsina na ang subsidy ng pamahalaang Amerikano ay nakakaapekto sa kanilang sariling kapakanan. Dapat igalang ng pamahalaang Tsino ang kahilingan ng mga magsasakang Tsino, at ang apela ng Chinese Soybean Association, kaya ang pagpataw ng karagdagang taripa sa soybean ng Amerika ay isang countermeasure ng Tsina, aniya pa.

Isiniwalat pa ni Zhu na bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas sa labas, ibayo pang isasagawa ng Tsina ang mga bagong hakbangin ng reporma at pagbubukas. Aniya, magiging mas bukas ang Tsina sa buong daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>