Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapahupa ng kalagayan sa Peninsula ng Korea, dapat pahalagahan-Tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2018-05-08 10:23:07       CRI

Ipinahayag Mayo 7, 2018 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng ibat-ibang may-kinalamang panig, tumutungo sa positibong direksyon ang kalagayan sa Peninsula ng Korea. Umaasa aniya siyang papahalagahan ng lahat ang naturang bungang di-madaling matamo.

Samantala, ayon sa tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea, ipinahayag kamakailan ng Amerika na ang intensyon ng denuclearization ng Hilagang Korea sa "Panmunjom Declaration" ay bunga ng isinasagawang sanksyon at presyur, at ipagpapatuloy ng Amerika ang sanksyon hanggang sa ganap na maitakwil aksyong nuklear ng Hilagang Korea.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng ang pag-asang magsasalita at gagawa ng bagay-bagay ang mga may-kinalamang panig na makakatulong sa pagpapahupa ng situwasyon, pagpapasulong ng diyalogo, at pagpapalakas ng pagtitiwalaan, para patibayin ang kasalukuyang positibong kalagayan sa peninsula.

Umaasa rin aniya siyang susulong ang proseso ng kalutasang pampulitika sa isyu ng peninsula at magbibigay-galang sa mga pagkabahala ng ibat-ibang panig, batay sa kaisipan ng "dual track," para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>