Beijing, Tsina—Sa kapipinid na Ika-10 Diyalogo ng mga Chief Executive Officer (CEO)at Dating Mataaas na Opisyal ng Tsina at Estados Unidos, nagkasundo ang mga kalahok na ang ibayo pang pagbubukas sa labas Tsina't Amerika ay makakabuti sa ugnayang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sa preskon pagkaraan ng pulong, sinabi ni Jeremie Waterman, Pangulo ng China Center ng U.S. Chamber of Commerce, na kadalasang hindi suportado ng kanyang chamber ang pagpapataw ng Amerika ng taripa dahil makakapinsala ito sa interes ng bansa. Idinagdag pa niyang nitong nagdaang linggo, isinumite ng kanyang chamber ang pahayag sa pamahalaang Amerikano para ipaliwanag kung paano makakapinsala sa mga kompanya, mamimili, at magsasakang Amerikano ang matataas na taripa. Ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng pagbubukas ng pamilihan.
Idinaos ang nasibing diyalogo mula Martes (Mayo 15) hanggang Miyerkules (Mayo 16). Lumahok din sa diyalogo ang mga kasalukuyang nanunungkulang opisyal ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ay direksyon ng mga patakaran ng dalawang pamahalaan at mga katugong aksyon, Belt and Road Initiative (BRI), digital economy, pandaigdig na industriya ng teknolohiya.
Ang mga kinatawang Amerikano ay mula sa mga sektor na gaya ng telekomunikasyon, produktong pangkalusugan, medisina, pinansya, teknolohiya at iba pa. Samantala, ang mga kinatawang Tsino ay galing sa mga larangan ng enerhiya, kalawakan, bakal, sasakyang-de-motor, pagkaing-butil, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio