Tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula, ipinahayag, Mayo 16, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat magpakita ng tapat na mithiin ang kapuwa Amerika at Democratic People's Republic of Korea (DPRK) at iwasan ang paglala ng kalagayan sa nasabing relasyon.
Isiniwalat ng Pangalawang Ministrong Panlabas ng DPRK na kung unilateral na pipilitin ng Amerika na itakwil ng Hilagang Korea ang nuklear, muling pag-iisipan ng kanyang bansa kung idaraos sandatang o hindi ang pakikipagtagpo sa Amerika.
Tinukoy ni Lu na kailangang pahalagahan ng iba't ibang panig ang kasalukuyang tunguhin ng paghupa ng tensyon sa Korean Peninsula. Kumakatig at umaasa ang Tsina na susunod ang Timog at Hilagang Korea sa diwa ng diyalogo, kompromiso, at kooperasyon batay sa Panmunjom Declaration, magpapakita ng pag-unawa at paggalang sa mga lehitimong pagkabahala ng isa't isa, at palalalimin ang pagtitiwalaan at pabubutihin ang relasyon sa isa't isa, aniya pa.
salin:Lele