|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Martes, Mayo 5 (local time), ng White House na gaganapin sa Capella Hotel, Sentosa Island ng Singapore ang pagtatagpo nina Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea (DPRK).
Ipinatalastas ito ni Sarah Sanders, tagapagsalita ng White House sa Twitter.
Nauna rito, ipinaalam sa preskon ni Sanders na gaganapin ang nasabing summit alas-9, Hunyo 12 (local time).
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |