Noong ika-10 ng Hunyo, 2018, ipininid ang Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Lunsod ng Qingdao, Lalawigang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina. Ito ay unang summit ng SCO pagkaraan ng paglawak ng mga miyembro. Sa pamamagitan ng kanyang mahahalagang talumapti, ipinaliwanag ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina ang "Shanghai Spirit," inilahad ng responsableng pakikitungo ng Tsina at SCO hinggil sa pag-unlad ng SCO, relasyon ng SCO at iba pang organisasyong pandaigdig, at pamamahala ng daigdig: bagay na pinapurihan ng iba't ibang sekor ng daigdig.
Ipinahayag ni Sourabh Gupta, dalubhasa mula sa Institute for China-America Studies na ang "Shanghai Spirit" ay pundasyon ng kooperasyon ng SCO, at susi ng pagtatagumpay. Aniya, ang pagkakapantay-pantay ng responsibilidad at interes, at kooperasyon ng iba't ibang miyembro, mga tampok ng Shanghai Spirit, tulad ng ideya ng pagkakatatag ng United Nations (UN).
Ipinahayag naman ni Amina J. Mohammed, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na ang ideyang iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa Community of Shared Future for Mankind ay may pangmalayuang pananaw, hindi lamang para sa Tsina, kundi para sa daigdig.
Salin:Lele