Ipinahayag Linggo ng umaga, Hulyo 22, 2018, ng Zunyi Conference Memorial Museum na ang nasabing museum ay itinatag bilang paggunita sa Zunyi Conference na may dakilang katuturang historikal para sa Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ito ay isa sa 21 pinakamaagang revolution museum makaraang maitatag ang bagong Tsina.
Ayon sa grupo ng mga mamamahayag na dumalaw sa nasabing lugar, sa pamamagitan ng pagbisita sa nasabing museum, naramdam nila ang pagpupunyagi ng mga beterano, at ang di-madaling nakuhang maligayang pamumuhay sa kasalukuyan.
Salin: Li Feng