Ang Hetaoba ay isang nayon ng Meitan County sa Lalawigang Guizhou ng Tsina. Nakikita dito ang mga malinis na lansangan at malawak na taniman ng tsaa.
Noong dekada 80, napakahirap ng nayong ito, at humigit-kumulang 600 yuan RMB lang ang karaniwang taunang kita ng mga taganayon. Nitong nakalipas na 30 taon, sa pamamagitan ng pagtatanim ng tsaa, tumaas sa halos 17,000 yuan RMB ang karaniwang taunang kita ng mga mamamayan dito.
Ngayon, kilalang kilala sa buong bansa ang Hetaoba bilang pilot project ng turismong agrikultural ng bansa, at propesyonal na nayon ng tsaang organiko sa kanlurang Tsino.
Salin: Vera