Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Foreign Secretary Cayetano, pamantayan ang Malampaya

(GMT+08:00) 2018-08-08 16:23:38       CRI

SA likod na napipintong kakulangan sa kuryente sa bansa, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Cayetano na magkaroon ng ibayong pagsusuri sa yamang nasa ilalim ng South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Sa idinaos na press briefing para sa mga mamamahayag kanina, sinabi ni Secretary Cayetano na magandang pamantayan ang naunang kasunduan ng mga nakasama sa pagbatid at pagsusuri at paggamit ng natural gas sa Malampaya na nagkaroon ng hatiang 60-40.

Ang mahalaga ay ang mga kasunduang mamamagitan sa Pilipinas at Tsina ay susunod sa itinatadhana ng Saligang Batas. Nabanggit ni Secretary Cayetano na mayroong karaniwang kasunduan hinggil sa oil and gas exploration na 50-50 subalit nakasalalay ito sa magagastos at teknolohiyang magagamit .

Hamak na makabubuti ang tinaguriang "principled pragmatism" sapagkat mabuti na ang 60-40 kaysa walang sinumang makinabang.

Pribadong sektor ang mangangapital, samantalang ang mga alituntunin lamang ang gagawin ng pamahalaan. Ang pinakamahalagang pagkasunduan ay ang exploration sapagkat kung mababatid na wala naming commercial quantity ang deposits, wala ring halagang mag-usap pa.

Subalit sinabi rin ni Secretary Cayetano na malaki ang deposito ng natural gas sa karagatan. Bagaman, tumanggi siyang sabihin kung ito ba ay na sa Reed Bank o sa Spratlys.

Nangako rin si Secretary Cayetano na haharap sila ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi upang higit na maging maliwanag ang mga isyung nais mabatid ng madla.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>