![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si National Artist Alice Reyes (gitna) kasama ng mga mananayaw ng Ballet Philippines
Lubos na kinagiliwan ng mga manonood na Tsino at Pilipino ang naging pagtatanghal ng Ballet Philippines nitong Agosto 25 at 26, 2018 sa Tianqiao Theater, Beijing. Pinamagatang "Masterpieces," ang palabas ay nasa ilalim ng direksyon ng tagapagtatag at artistic director ng Ballet Philippines na si Alice Reyes. Si Bb. Reyes ay isa ring National Artist ng Pilipinas. Itinampok sa Masterpieces ang Vision of Fire, Nocturne, Songs of a Wayfarer, Amada, Moon at After Whom.
Naanyayahang manood sa unang araw ng Masterpieces si Hu Pu, isang advertising executive. Aniya, "Iniisip ko noon na ang ballet ay cliche symbol ng elegance at kung ano ang classic. Pero nang makita kong napuno ng sigla at damdamin ang entablado, hindi ako makapaniwalang pwede palang maging sexy at breathtaking ang ballet. Napakagaling ng Ballet Philippines at pinaghalo ang contemporary at traditional. Ang 6 na bahagi ng Masterpieces ay kahali-halina." Ang Amada ang pinakanakaantig sa damdamin ni Hu Pu.
Samantala, isang visual feast na may kumpletong kwento ang Masterpieces para kay Zhuang Jiang. At para naman kay Li Yuhan, kahit walang musika, ang mga mananayaw ay may pulidong galaw at tugmang ritmo. Kapwa kumukuha sina Zhuang at Li ng MA Applied Psychology sa Beijing Normal University.
First time ring makapananood ng Filipino performance ng China Media Group reporter na si Liu Xiaoyu. Ani Liu very professional at high-level ang naging pagtatanghal ng Ballet Philippines.
Si Ruth Novales (kaliwa) at si Chanell Concepcion (kanan) kasama si National Artist Alice Reyes (ikalawa mula kaliwa)
Pagdating sa pulsong Pinoy, sobrang ipinagmamalaki ni Ruth Novales ang kanyang mga kababayang alagad ng sining. Inilarawan ni Novales, na isa ring well-rounded stage actress, bilang kamangha-mangha ang Masterpieces. Aniya pa, "Simple man ang costumes, pero dahil dito mas naging malakas ang impact ng sayaw na fusion ng classical, modern at tribal." Siyam na taon ding nag-aral ng ballet si Novales kaya di maiwasang maging "total fan girl" nang makitang personal ang National Artist na si Alice Reyes.
Bihira ang makapanood ng top-level Filipino performance sa Beijing ani Chanell Concepcion. Sa pamamagitan ng Ballet Philippines, sabi pa niya, naipakilala ang pagkamalikhain, masidhing pagmamahal sa sining at kariktan ng sayaw-Pilipino sa mga Tsino.
Ang Masterpieces ng Ballet Philippines ay isang reciprocal performance at itinanghal sa pagtataguyod ng Ministry of Culture and Tourism ng Tsina, National Commission for Culture and the Arts ng Pilipinas, Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, sa pakikipagtulungan ng Beijing NBC Performing Arts Agency.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Liu Kai at Weila
Web editor: Liu Kai
Pasasalamat kina Ramil Santos at Claire Fababaer para sa ilang mga panayam
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |