Idinaos Agosto 28, 2018 sa Beijing ang seremonya ng pagbubukas ng espesyal na aktibidad ng Belt and Road. Ang tema ng aktibidad ay: "Muling Pagdaan sa Silk Road." Magkasamang inisponsor ito ng Samahan ng Sambayanang Tsino para sa Pagpapasulong ng Pagkakaibigan sa Ibang Bansa at SAIC Motor Corporation Limited.
Sa seremonya ng pagbubukas, inilahad ni Li Xiaolin, puno ng nasabing samahan na dadaan ang mga kasapi sa pitong bansa sa kahabaan ng Belt and Road na kinabibilangan ng Tsina, Kazakhstan, Uzbekistan, Poland, Czech, France, at Netherlands, gamit ang sasakyan de motor, eroplano, at daambakal. Aniya, ito ay para pasulungin ang pagpapalitan ng naturang mga bansa sa kalakalan, kultura, palakasan, at iba pa.