Singapore—Huwebes, Setyembre 20, 2018, magkasamang nangulo sina Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, sa pulong mga mekanismo ng bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore.
Nilagom sa pulong ang kalagayan ng pagpapatupad ng mga komong palagay na narating ng mga mataas na opiyal ng dalawang bansa at progreso ng pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, pagbabago ng kabuhayan, kooperasyong pinansyal, pagpapalitang kultural, inklusibo't sustenableng pag-unlad at iba pang paksa. Binalak din ang direksyon at pokus ng kanilang kooperasyon sa susunod na yugto.
Pagkatapos ng pulong, magkasamang dumalo sina Han Zheng at Teo Chee Hean sa seremonya ng paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pagpapalaganap ng karanasan, pagsasanay ng mga talento, pagpapalitang kultural at iba pa.
Salin: Vera