Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), nanawagan nitong Sabado, Setyembre 29, 2018 si Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore, na dapat ipagtanggol ang prinsipyo ng multilateralismo at malayang kalakalan. Ipinagdiinan din niya na napakahalaga ng kaayusang pandaigdig na nakabase sa regulasyon para sa maliliit na bansa na tulad ng Singapore.
Sinabi niya na ang pagtupad ng iba't-ibang bansa sa umiiral na regulasyon ay may kaugnayan sa katatagan at pagsasaayos sa buong daigdig. Aniya, sa harap ng malawakang hamon sa kasalukuyang daigdig, nagiging napakahalaga ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa. Kailangang ibayong palakasin ang multilateralismo, dagdag niya.
Salin: Li Feng