Nilagdaan ngayong araw, Lunes, ika-8 ng Oktubre 2018, ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Munisipalidad ng Shanghai, ang balangkas na kasunduan hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon ng dalawang panig.
Dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Li Qiang, Party Secretary ng Shanghai; Shen Haixiong, Puno ng CMG; Ying Yong, Alkalde ng Shanghai; at iba pang opisyal.
Sa pagsaksi ng mga opisyal, pumirma sa kasunduan sina Yan Xiaoming, Pangalawang Puno ng CMG; at Weng Tiehui, Pangalawang Alkalde ng Shanghai.
Salin: Liu Kai