Sa sidelines ng Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap nitong Biyernes sa Dushanbe, Tajikistan, nakipagtagpo si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Abdulla Aripov, Punong Ministro ng Uzbekistan.
Sina Premyer Li (kanan) at Punong Ministro Aripov (kaliwa)
Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina't Uzbekistan, at mga natamong bunga sa pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan, bilang mapagkaibigang magkapitbansa at komprehensibong estratehikong magpartner.
Nagkasundo silang ibayo pang palalimin ang pagtutulungan sa kabuhaya't kalakalan, pamahalaang lokal, agrikultura, turismo, enerhiya, edukasyon at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio