Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya.
Nagkasundo ang dalawang punong ministro na iugnay ang Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at mga estratehiyang pangkaunlaran ng Italya, at palakasin ang mga pragmatikong pagtutulungan sa kabuhaya't kalakalan, pamumuhunan, inobasyon, siyensiya't teknolohiya, enerhiya at pagpapalitan ng mga tao, para iangat sa bagong antas ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Italya.
Salin: Jade
Pulido: Mac