Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Trump: Amerika, uurong sa INF Treaty

(GMT+08:00) 2018-10-21 16:22:50       CRI
Pagkaraan ng isang aktibidad kahapon, Sabado, ika-20 ng Oktubre 2018, sa Elko, Nevada, sinabi sa mga mamamahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na uurong ang kanyang bansa sa Treaty on the Elimination of Intermediate-Range and Shorter-Range Missiles o INF (Intermediate-Range Nuclear Forces) Treaty.

Sinabi rin ni Trump, na sa mula't mula pa'y lumalabag ang Rusya sa kasunduang ito, at dahil dito, napilitang idebelop ng Amerika ang mga sandatang ipinagbabawal ng kasunduan.

Kaugnay ng pahayag ni Trump, sinabi ngayong araw ni Franz Klintsevich, Unang Pangalawang Puno ng Komite sa Depensa at Seguridad ng Mataas na Kapulungan ng Rusya, na binabatikos ng Amerika ang Rusya sa paglabag sa INF Treaty, pero wala itong katibayan. Dagdag niya, ang pag-urong ng Amerika sa naturang kasunduan ay magsisilbing hamon sa Rusya at buong daigdig, at magdudulot din ng bagong arms race sa daigdig.

Sinabi naman ng Ministring Panlabas ng Rusya, na sa katotohanan, ang dahilan ng Amerika sa pag-urong sa INF Treaty ay pareho sa dahilan ng pag-urong nito sa iba pang mga kasunduang pandaigdig. Ito ay dahil batay sa mga kasunduang ito, walang bentahe ang Amerika sa ibang bansa, at wala itong espesyal na prebilihiyo.

Ang INF Treaty ay nilagdaan noong 1987 ng Amerika at dating Soviet Union. Ipinagbabawal nito ang pagdedebelop, pagdedeploy, at pagsusubok ng dalawang bansa sa mga ground-launched ballistic o cruise missiles na may range sa pagitan ng 300 at 3,400 miles.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>