Dumating kahapon ng hapon, Lunes, ika-22 ng Oktubre 2018, ng Lunsod ng Zhuhai, lalawigang Guangdong sa timog ng Tsina, si Pangulong Xi Jinping ng bansa, para pasimulan ang kanyang paglalakbay-suri dito.
Ito ang ikalawang paglalakbay-suri ni Xi sa Guangdong, nitong nakalipas na 6 na taon.
Noong 2012, sa kanyang nagdaang paglalakbay-suri sa lalawigang ito, sinabi minsan ni Xi, na bilang lugar kung saan pinakamaagang isinagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, maganda ang Guangdong para sariwain ang kasaysayan, at tanawin ang kinabukasan ng usaping ito.
Salin: Liu Kai